wee!bilisan assign ni chel

PEDRO
muli’y papasok na sa eskwela
may bulasang butas at tangang pluma
dala lama’y panaginip, minimithing totoo
ang pag-ahon ng bansang atin, at binabaang noo

PETER
Rumaratsadang magarang tagapag-hatid
ang binabaan ng binatilyong astig
sige sa paghithit ng yosing tangan
sabay sa usok ang pangarap, ibubuga’t lilisan

at sino nga ba sila?
ang sinasabing bubuo o maninira?
sa kanilang palad nga ba’y, hawak natin ang alas?
mundo, aking hinahandog ang kabataan ng Pilipinas



Leave a Reply