insomia
pasensya na kung walang kwenta ang aking mga isusulat
hinahangin lng ang utak ko ngaun
ang tgal ko nang hindi nagsulat
at alam ko nagiging tanga na ako
lalong nagiging tanga…
nawawala lahat
unti-unti
isa-isa
wala akong maisip
gusto ko lang matulog
ngunit ayaw pagbigyan
kung kayo’y mahimbing sa pagtulog
ang mga mata ko’y mulat
unti unting kinakain ng kadiliman ang
katiting na liwanag na natitira sa
utak ko
at ngaun
lalo itong lumilipad
palayo
nang palayo
pero gusto ko pa ring sumulat
gusto ko pa rin
ngunit ayaw pagbigyan
ayw pagbigyan
ako ay malaya
malaya kong nagagawa ang mga naisin
malaya kong sirain ang sarili
malaya ko rin itong palaguin
hihithit ng yosi
at titingin sa salamin
malimutan ko na ata kung paano
tititigan ang usok
at oo
tulad mo din ang laman ng isipan ko
usok sa hanging walang patutunguhan
sabay lang sa iyong pag-agos
kung pipigilan ko ang paghinga
mananatili ang usok
mananatili
ngunit kung ito’y ibubuga
sigurado na ang paglaho
pero ayoko pang mamatay
pero ninais ko din minsan
pero…
wala na naman akong masabi
at biglang meron pa din naman
khit papaano
natutulala sa liwanag ng monitor
…
liwanag!
ikaw ang liwanag ko ngaung gabi
wag mo akong iiwan ha?
natatakot akong mag-isa
madilim sa ibaba
maya maya nalang ako pupunta doon
samahan mo muna ako…
ang liwanag ko…
indi ikaw ang liwanag ko…
maliwanag pa din ba?
madilim sa ibaba…
at khit sa dilim na iyon
ipikit ko man ang mga mata’y
balewala…
aandar pa din ang utak kong
puno ng usok
WAG HIHINGA!
hihinga ako
kelangan ko din
ang magpahinga…
gusto ko din managinip
parang pangarap na lamang nagun ang managinip
dahil puro bangungot ang inaabot ko
sa twing hindi hihinga
nang mahaba mahabang oras
nakakatamad
wala ang liwanag ko
nakaktamad
ang mga ayaw na
walang kwenta
dahil sa kababawan ko
dhil sa utak kong puno ng usok
KATANGAHAN!!!
sana lumayo ka na sakin
at pang-unawa…
bkit mo ako iniwan?
kelan ka babalik?
hindi ko pede ipilit ang ayaw
pero pag kailangan
pero pano pag ayaw?
pero…