nikotina/kapangyarihan
sa bukana palang ng banyo
natikman ko na agad
ang mapait at matamis na lasang
sabi mo ay
maaari kong tikman pero huwag gugustuhin
naaalala ko pa noong unang beses
na binigyan mo ako ng yosi
bagong taon, mausok, masaya
mabuti ng matuto ka sakin
kesa sa barkada mo pa
un ung sabi mo
hinding hindi ko un malilimutan…
sabi mo naman
mabuting hindi binigyan ng Diyos
ang tao ng kapangyarihan
nang bigla mong naisip na kung nagkagayon
malamang, may napatay na ako
pero hindi mo naisip na
maliiit palang ako, kung nagkagayon
marami na akong napatay
lagi mo sanang tandaan un…
pareho pareho lang siguro tayong
hindi sigurado sa mga kasama natin
sari-sarili tayong nangmamaliit at minamaliit ang isa’t isa
pero kahit ano pang maalala at ipaalala ko
basta alam kong mahal ko kayo at mahal niyo din ako
hinding-hindi ko un malilimutan